Kautusan Blg. 149 s2020 - Kautusang Nagpapatibay sa Pag-aamyenda sa Salary Grade ng Radiologic Technoligist 1 mula SG-08 tungo SG-11 at Nurse 1 mula SG-10 tungo SG-11 Batay sa Budget Circular No. 2018 na may Petsang Oktubre 16, 2018 ng Department of Budget and Management.
Kautusan Blg. 147 s2020 - Kautusang Nagpapatibay sa Paglikha ng Posisyong Rural Health Physician (SG-24) para sa Rural Health Unit II.
Kautusan Blg. 148 s2020 - Kautusang Nagpapatibay sa Paglikha ng Posisyong Nurse IV (SG-19) para sa Rural Health Unit.
Kautusan Blg. 152 s2020 (Supplemental Budget No. 1) - Kautusang Bayan na Nagpapatibay sa Karagdagang Paglalaan (Supplemental Budget) na Nagkakahalaga ng Labing Apat na Milyon Walong Daan Walumpung Libo Anim na Raan at Apatnapung Piso (Php 14,880,640.00) sa Taong 2020 mula sa Bayanihan Grant for Cities and Municipalities para sa Karagdagang Programa Bilang Tugon sa Kinakaharap na Krisis Sanhi ng Corono Virus Disease 19.
Kautusan Blg. 153 s2020 (Supplemental Budget No. 2) - Kautusang Bayan na Nagpapatibay sa Karagdagang Paglalaan (Supplemental Budget) na Nagkakahalaga ng Labing Apat na Milyon Dalawang Daang Libong Piso (Php 14,200,000.00) sa Taong 2020 mula sa Surplus (Savings ng Taong 2019) para sa mga Karagdagang Programang tutugon sa mga Pangangailangan ng Pamahalaang Bayan.
Kautusan Blg. 154 s2020 (Supplemental Budget No. 1) Kautusang Bayan na Nagpapatibay sa Karagdagang Paglalaan (Supplemental Budget) na Nagkakahalaga ng Pitong Daang Libong Piso (Php 700,000.00) sa Taong 2020 mula sa Surplus (Savings ng taong 2019) para Other Personnel Benefits ng Local Economic Enterprise.
Kautusan Blg. 155 s2020 (Supplemental Budget No. 3) - Kautusang Bayan na Nagpapatibay sa Karagdagang Paglaan (Supplemental Budget) na Nagkakahalaga ng Dalawang Milyon Isang Daang Libong Piso (Php 2,100,000.00) sa Taong 2020 mula sa Surplus (Savings ng Taong 2019) na Gugugulin bilang Counterpart ng Pamahalaang Bayan sa Pagpapatayo ng Tower Clock.
Kautusan Blg. 159 s2020 (Supplemental Budget No. 4) - Kautusang Nagpapatibay sa Karagdagang Paglalaan (Supplemental Budget) na may Kabuuang Halaga na Pitong Milyon Dalawang Daan Tatlumpong Libo Piso (7,230,000.00) mula sa Surplus (Savings) ng taong 2019 at Capital Outlay (Supplemental Reversion) ng Iba't ibang Tanggapan ng Pamahalaang Bayan tungo sa Environment and Sanitary Services ng Pamahalaang Bayan.
Kautusan Blg. 163 s2020 - Isang Kautusang Bayan na Nagpapatibay sa Taunang Badyet (Annual Budget) ng Bayan ng Balagtas para sa Taong 2021 (FY 2021) at Gayundin sa Paglalaan ng Halagang Tatlong Daan at Sampung Milyon Tatlong Daan Siyamnapu't Tatlong Libo Anim na Raan at Tatlong Piso at Dalawampu't Tatlong Sentimo (Php 310,393,603.23) para dito.
Kautusan Blg. 165 s2020 (Supplemental Budget No. 5) - Kautusang Nagpapatibay sa Karagdagang Paglalaan (Supplemental Budget) na Nagkakahalaga ng Dalawang Milyon Apat na Raan at Tatlumpung Libong Piso (Php 2,430,000.00) na Nagmumula sa mula sa mga Marapat na Pagkunan sa Ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses na Gugugulin para sa Collective Negotiation Agreement Incentive ng mga Opisyal at Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Balagtas, Bulacan.
Kautusan Blg. 150 s2020 - Kautusang Bayan na Nagpapatibay sa Mahigpit na Pagbabawal sa lahat ng uri ng Diskriminasyon sa mga Taong may Sakit, Sinusubaybayan o Iniimbestigahan dahil sa Pagkakaroon ng Corona Virus Disease, Health Workers, Benepisyo ng Social Amelioration Program at Fronliners sa Bayan ng Balagtas.
Kautusan Blg. 164 s2020 - Kautusang Nagpapatibay sa Pagbibigay ng Karapatan sa Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Ariel C. Valderama, na Lumagda sa isang Contract of Service para sa Sangguniang Bayan, sa pagitan nito at ni Abogado Tagumpay Ponce, Saklaw ang Panahon mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2021.
Kautusan Blg. 151 s2020 - Kautusang Bayan na Nagtatakda ng mga Alituntunin sa Mahigpit na Pagpapatupad ng Iba't Ibang Alituntunin Laban sa Covid 19 ng Bayan ng Balagtas.
Kautusan Blg. 160 s2020 - Kautusang Nagbabawal sa Pagpapatugtog ng Videoke, Karaoke at iba pang Maiingay na Aktibidad sa Oras na Nag-aaral ang mga Bata.
Kautusan Blg. 162 s2020 - Kautusang Nagpapataw ng Zero Percent (0%) Tax sa Sumitomo-Mitsui Construction Co. LTD. (SMCC) Bilang mga Contractor ng Package 02 ng North-South Commuter Railway Project (Malolos-Tutuban).
Ordinance No. 156 s2020 - An Ordinance Updating the Citizen's Charter of the Municipality of Balagtas, Bulacan.
Kautusan Blg. 157 s2020 - Kautusang Nagpapatibay sa mulinng Pag-uuri ng Lupang Pag-aari ni Jesselie Buendia-Lao na may Sukat na Anim na Libo Tatlong Daan at Limampu't Limang (6,335) Metro Parisukat na Bahagi ng isang Parsela ng Lupa sa Ilalim ng Titulo Blg. T-354508 na may Kabuuang Sukat na Humigit Kumulang Walong Libo Isang Daan at Sampung (8,110) Metro Parisukat na nasa Barangay Pulong Gubat mula sa uring Agrikultural Tungo sa Industriyal (Warehouse).
Kautusan Blg. 158 s2020 - Kautusang Nagpapatibay sa muling Pag-uuri ng Lupang Pag-aari nina Gregorio E. Gonzalvo, Wilfredo Julian E. Gonzalvo at Romeo Julian Gonzalvo na may Sukat na Apat na Raang (400) metro Parisukat na bahagi ng isang parsela ng Lupa sa Ilalim ng Titulo Blg. RT-20244 (T-40419) na may Kabuuang sukat na Humigit Kumulang Isang Libo at Walampu't Anim (1,086) na metro Parisukat na nasa Barangay Panginay mula sa Uring Residensiyal tungo Komersial (Oil Station).
Kautusan Blg. 161 s2020 - Kautusang Nagpapatibay sa muling Pag-uuri ng Lupang Pag-aari ni Florita C. Marquez na may sukat na Isang Libo at Pitumpu't Dalawang (1,072) metro Parisukat sa Ilalim ng Titulo Blg. RT-17106 (T-286494) na nasa Barangay Borol 1st mula sa uring Residensyal tungo sa Komersiyal.